random thoughts…
I miss:
-the heavy rainy days
-tambay sa AS lobby
-kain ng E-Aji
-inom ng C2
-kain ng chicken fillet sa Mcdo (all-time fave!)
-tambay, tambay, tambay till before curfew hours sa Kalai
-tulog ng 10 p.m.
-Gumising ng 7:30 a.m. at manggising ng isang tao na late lagi sa Philo 1 pag di ko ginising
-kumanta with the HIMIG choir ng UPSCA (UP Student Catholic Action)
-UPSCA
-cell meetings
-Friday Activities
-jamming with kuya TJ, kuya Ron and kuya JM
-UPSCA App log book (na ako ang nagdesign kasi secretary ako ng Apps batch namin named BATCHilog)
-miss ko na ang cheese corn (wala akong makitang powdered cheese dito, kamusta naman un?)
-Babba Shawarma!!! fave kahit na mamumulubi ako!!! either kasama sina Aaron and company, or si Kenn.
-Si best ko: Mona!!!
-paglakwatsa sa SM North at paguubos ng allowance for the week, hehehe
-pagsama kay Mona sa Pandacan
-Hang-a-roo!!!
-pagsusukat namin ni Mona ng damit pag me sale! at picture picture syempre!
-Squid balls!!! my fave kapag may pera, pag wala, fish balls lang… (suka with chili please!!! iniinom pa, haha!!!)
-gitara ko… T_T
-paglalakad ng malayo
-ung mga tindahan na fave ko: Pink Box, Artwork, etc…
-Hen Lin (siomai, da best!!!)
-Tokyo Tokyo (ako kasama ni Mona nung una niyang natry kumain dyan, treat ko, haha!!!) fave: beef misono and potato balls
-MRT
-Gloriettang pinasabog… X_X anyways, at least part of it…
-MOA, dalawang beses lang ata ako nakapunta, di ko pa nalibot…
-papa, tita Beng, pasaway-na-payat-na-ngayon na si Macky, Gio na napakatahimik, Tita Lani and her coconut macaroons!!! Mamang and Papang at mga cousins sa Ilocos!!!
-Upon, Pinili, Ilocos Norte-ang munting brgy. na masayang magexploring!!! Na di ako nakapunta ng mga 2 years ata kahit before umalis papuntang USA…
-sukang Iloko, oh I miss you!!! (sarap inumin!!!) pag gusto ko lagnatin, iinom lang ako ng marami niyan, ok na! ;P although sa sobrang healthy ko talaga mahirap ako lagnatin…
-SCC-ang aking HS… na ngayon daw ay airconed na!!! as in ung mga rooms, daya…
-home-made siomai ng asawa ni Mrs. Montero!!! at ang pinakamasarap na "chili" na gawa niya! panghalo sa toyo’t kalamansi na sawsawan ng siomai!!! ang fave ko ring inumin, as in!!! hahaha!!!
-ung polbo ko… wala ako makita dito…
-Netopia, kahit mahal ang rates, hahaha!!!
-Heartstrings-mga cute na cute na bags!!!
-The Gift Factory-bilihan ng mga cute na stuffed toys, keychains!!! Heaven!!!
-makipag-DOTA kahit laging talo… X_X asar… anyways, nanalo naman ako the first time, bleh vr!!!
-sumakay sa IKOT at TOKI
-magsuot ng puting palda, at light pink na telang sandals habang umuulan at may baha… me okasyon noon kaya kailangan (sabi ko) kahit ganun ang weather.
-naalala ko, ung cute na sandals ko na un, na naiwan ko… ay binili ko sa EGG-ang ultimate paraphernalia store!!! naku, ang cucute!!! lalagyanan ng cellphone, bags, purse, etc!!!
-ung signpen ko - Dong-A, either ung normal 5.0 lang na nasa $20 pataas ang isa or ung retractable na pink ang kulay na refillable pero ung ink black parin syempre… Di ako magsusulat noon kung di ganun ang pen ko… Magwawala pa ko pag nawawala un!!!
-I miss a normal school day…
-I miss being a normal student (kahit na abnormal na tao ako)
-I miss prissy (white cat), ate red buggle (bear na rag doll parang si baby buggle), etc… - stufftoys na naiwan ko sa bahay sa Biñan…
-di ko namimiss ung tubig na may latak, eeeeek!!! hahah!!!
-madalang na week-end hang-out kela Tita Lani and cousins sa Rosario, Pasig City
-Pink na Cream Silk!!! pinakamabangong conditioner!!! gamit ko while I was in UP… Me nakita ako nyan dito, nga lang, maganda na raw ung conditioner ko ngayon, di nga lang siya ung mabango…
-gravy ng McDo!!! My gulay naman, walang gravy ang McDo dito!!! Pati McChicken!!! masarap ang lasa nun eh… fave McDo!!! =)
-paghatid ni vr sakin sa Kalai pagkatapos magDOTA, hek hek! *blush*
-paghatid sakin sa Kalai ng aking mga butihing kuya sa UPSCA matapos ang tambay sa UPSCA tambayan
-lahat ng mabubuting kaibigan ko!!! hahaah!!! you know who you are!!!
Sha sha, happy day today, magcecelebrate ako magisa ng monthsary… X_X san kaya makapunta??? Barnes and Nobles, tititigan ko na naman kung aling magandang notebook ang bibilihin ko para ________ hahaha, secret!!! =P pag me naalala nalang uli ako, popost me ng continuation, hahaha!!! sinipag ako ngayon eh, hahahaaha!!!
Kakain ako sa McDo, as usual, hahaah!!! fave!!! Saka, memorable ang Mcdo kasi ;P, alam na un ng mga nakakaalam!!! diba? hahaha!!!